oooeygooey replied to your post: oooeygooey replied to your post: First Day Oh….

Ate, bukas ulit. :)

Sige hagilapin mo ko sa UST :D

oooeygooey replied to your post: First Day ng Pinakamamahal namin na bunso

Ate ako, tanungin mo. Kamusta first day ko.

Sige. Kamusta? :D

oooeygooey replied to your post: oooeygooey replied to your post: PE Edi ikaw na…

Eww. I hate being CANOSSIAN. JOKE. PROMISE.

Hate pala ha. Doon mo nga nakilala kapatid ko. Pauso :P

oooeygooey replied to your post: First Day

Oh. SHIIIII. Ate Bey, sana nilakad mo na lang yung Legarda. MALAPIT KA NA SA BAHAY NAMIN NUN. WHDHUIFHISUFHISDFJCISDFHOSDHF

Aba malay ko ba :D

oooeygooey replied to your post: PE

Edi ikaw na THOMASIAN.

Ikaw na CANOSSIAN

PE

PE ko tomorrow kaso sabi June 11 pa daw ang start ng Regular PE class eh 9-11 PE ko ang next class ko ay 1pm pa. ibig sabihin 1 pa ang pasok ko ang saya naman. Nagsisimula pa lang wala na kagad pasok LOL :D

miss-populande replied to your post: First Day

Ni like para basahin ko lateeer. haha!

Talaga lang ha. Seryoso ba yan :D

First Day ng Pinakamamahal namin na bunso

Pag gising niya umupo siya tapos nakasimangot. Nahihiya raw siya. Sana raw sa Canossa na lang siya pumasok. Sabi ni mommy isipin niya raw college na siya ibang tao ibang school mga 6:00 kumatok na sa gate namin yung pinsan ko. Sinusundo na si Renzo. Pag uwi niya ang una kagad sinabi “nabully ako” hindi naman ako naniwala. Siya pa mabubully. Baka siya ng bully. Tapos nakita ko schedule niya. Ang panget talaga magsulat buti naimprove na. Kahit puro capital letters. Mas malinis at maayos tignan. Pinarewrite pa sa akin. Pasaway na bata. Kinotongan pa ko ng 50. Loko talaga. Basta naaawa ako sa kanya kasi kasalanan ko kung bakit lumipat siya. Kaya hindi ako makatanggi sa bawat request.

First Day


Gumising ng 6:00 naligo kumain nagbihis. Nagcivilian ako tutal first day at walang klase mass lang. Sayang uniform nun. Kanina umalis ako ng bahay ng mga 6:30. Sumabay ako kala Mommy at Daddy. binaba nila ako sa dulo ng Santolan. Sumakay ako ng Jeep pa Ligaya. Bumaba ako sa Ligaya tawid overpass. Sakay Jeep papunta LRT station. Sana libre na lang lahat ng sakay ko kasi hindi pa nagiinit ang pwet ko ay bababa na ko ng Jeep. Pag dating sa LRT station. Tawid overpass ulit bago makarating sa mismong Station. Pumili ng pagkahabahaba para bumili ng Ticket pa Legarda. Nung nakabili na ako. Sakay train. siguro 25 minutes din bago makarating Legarda. At buong 25 minutes nakatayo ako. Lakad na sa labas. Caico Bridge UST sabi ko. Sakay naman ako sa overpriced na tricycle. Natatawa ako dun sa babaeng nakasabay ko kasi sa charity siya umupo at makailang beses sya matumba sa kinauupuan niya. Tinapakan niya pa bago kong shoes. Asar lang. Pero keep the smiles. Yeah! Pag dating ko ng UST napangiti ako dahil tama ang desisyon ko na magcivilian. Grabe dameng tao. Mga 8:00 ako nakarating. Dumerecho ako sa may grandstand para kumuha ng PE uniform. Pila nanaman. Buti maikli pa pila. Walang pagdududa Small ang PE ko. Hindi na ako nagtaka sa liit ba naman ng katawan ko. Pagkakuha ko tingin ako sa cellphone nagtext HS classmate nasaan na raw ako. Reply naman ako kagad at naghanapan kame. Tawag ako tanong ko kung Nasaan siya at ano suot niya. Nasa tapat daw siya ng Church at nakawhite. Natawa naman ako. Ang dami kayang tao n nakaputi butinahagilap ko siya at ang roomate niya. Relief! may kasama na ako eh! Tapos nagstart na mass tinawagan namin ni Caila si Em. Nasa dorm pa daw. After 10 minutes siguro nagtext na siya. At hanap kami ni Caila nakita naman namin siya kasama ate niya. Akala ko tatayo kami ng 1 hour buti na lang nagbigay ng chairs. Upo kami at buong misa nakabukas ang payong ko dahil nasa labas kami sa sobrang dami ng katauhan. Humiwalay na ako pagkatapos ng Mass nagpunta ko sa Tan Yan Kee building para magpapicture tapos sabi sa akin sa Quadricentinial Pavillion raw. Lakad nanaman ng pagkahabahaba. Sumakit ang paa ko sa totoo lang. Ang laki ng School para sa akin. Liit ko kasi wahahaha. Pag dating don hiningi ni kuya guard ang Registration form. Dukot naman kagad ako sa bag ko at pinakita. akyat ako sa taas. at Nagantay ng uniform para mapicturan ako. Naisip ko okay din pala na late ako nagpapicture kasi unti tao. Hindi nagmamadali yung photographer. Nakatatlo o apat ata akong shot bago naging okay. At okay ang ID ko yehey! Pagkatapos nun. Uwi na ako. Sakay ng overpriced na tricycle. tumawid na mala buwis buhay dahil derederecho ang mga kotse pati pulis walang kwenta wahahaha. Pila at bumili ng ticket papuntang Santolan. At nakatay nanaman ako hanggang Araneta Center Cubao. Paunti ng Paunti tao. Naramdaman ko na yung sinasabi nilang Aircon. Yung nasa harap ko todo PDA. mukha naman silang informal settlers kaya nakakasuka tignan nasa harap ko pa. Pag dating ng Santolan. Sakay ng Padilla. Bumaba ako ng Ligaya. Dapat talaga libre na ako kasi kakaupo ko lang bababa nanaman kagad ako. tawid. Sakay ng tramo. Nagbayad pa Rosario. Bumaba sa may Nawasa. Lakad nanaman. Akyat sa overpass. Sakay Binangonan para papasok ng Subdivision namin. Bumaba na ako. Yehey bahay na ng 12:00 pero di pa ako nakain non. Ang saya. wahahaha. Untill next time sakit na daliri ko :D